Ang Awit ng Pastol
(Awit 23)
Si Yahweh ang aking pastol hindi ako magkukulang
Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan
At inaakay Niya ako sa tahimik na batisan
Binibigyan Niya ako niyong bagong kalakasan
At sang-ayon sa pangako na Kanyang binitiwan
Sa matuwid na landasi’y doon ako inaakay
Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan
Hindi ako matatakot ‘pagkat Ikaw’y kaagapay
Ang tungkod Mo at pamalo
Ang gabay ko at sanggalang
Sa harapan ng lingkod Mo
Ikaw ay may handang dulang
Ito’y Iyong ginagawang nakikita ng kaaway
Nalulugod Ka sa akin ng ulo ko ay langisan
At pati na ang saro ko ay Iyong pinaaapaw
Tunay na ang pag-ibig Mo at ang Iyong kabutihan
Sasaaki’t tataglayin habang ako’y nabubuhay
Doon ako sa templo Mo, lalagi at mananahan.
Total votes: 723
___________________________________
0073 BE Cagayan Road,
Sto. Cristo Pulilan,
Bulacan 3005
11:00AM to 4:00PM
Watch the LIVE Coverage
11:00PM to 3:00AM